
Ang usapan sa Agentic AI ay mainit ngayon, pero ilang CIO mula sa malalaking bangko, ospital, retailers, energy at manufacturing companies sa Pilipinas ay nagsabi na kailangan muna nila makita ang malinaw na use case bago gumastos para sa bagong teknolohiya.
Sabi ni Paul Siy, CIO ng isang bangko, “Stop throwing buzzwords at me. Mas gusto ko makita kung paano ginagamit ng ibang bangko. Paano ito makakatulong sa productivity, kita, o seguridad ng bangko?” Dagdag pa ng isa pang CIO, marami ang nag-a-adopt ng AI pero nasa 27% lang ang matagumpay ang implementation. Kaya dapat siguraduhin na malinaw kung anong problema ang kayang solusyunan ng Agentic AI.
Para naman sa health sector, sinabi ng isang CIO ng ospital na mas maingat sila dahil regulated ang industriya. Hindi sila gumagamit ng AI kung wala itong malinaw na silbi. Mas gusto nila ang tested na solutions mula sa ibang ospital bago ito i-apply dito.
May ilan ding tech experts ang umamin na hype pa ngayon ang Agentic AI. Ayon sa kanila, tulad ng internet at mobile noon, dadaan ito sa hype cycle. Kaya dapat maging practical ang mga kumpanya at gamitin ang AI para sa totoong pangangailangan gaya ng mas mababang gastos, mas magandang customer service, o mas mabilis na innovation.
Dagdag pa ng isang tech CEO, mahalaga rin ang kalidad ng data dahil walang silbi ang advanced AI kung hindi tama o kumpleto ang datos. Bukod dito, kailangan ding i-upskill ang mga Pilipino para maging AI-literate at matutukan ang mga kasanayang hindi basta napapalitan ng AI tulad ng critical thinking, creativity, at leadership.