Ang Marvel ay naglabas ng unang trailer para sa bagong Disney+ series Vision Quest sa New York Comic Con.
Babalik si Paul Bettany bilang White Vision, at ipinakita rin siya bilang normal na tao. Dumating siya sa isang puting mansion kung saan sinalubong siya ng mga human versions ng mga AI programs ni Tony Stark tulad nina Jarvis, Friday, at Edith.
Nagulat ang lahat nang lumabas si Ultron sa anyong tao, ginampanan ni James Spader. Sa dulo ng trailer, ipinakita rin si Tommy, anak nina Wanda at Vision, bilang adult.
Kasama rin sa cast sina Todd Stashwick, T’Nia Miller, Ruaridh Mollica, Emily Hampshire, Orla Brady, Henry Lewis, Jonathan Sayer, at James D’Arcy.
Ang Vision Quest ay nakatakdang ipalabas sa 2026.