
Ang Siesta Horchata, café na pag-aari ng fiancée ni Ryan Bang na si Paola Huyong, ay inanunsyo na magsasara ito sa darating na Nobyembre.
Sa kanilang post sa social media, nagpasalamat ang staff ng café sa mga customer na sumuporta mula nang buksan ito noong nakaraang taon. Ayon sa kanila, ang layunin ng café ay magbigay ng comfort, joy, at sweetness sa bawat inumin—at sobra pa ang naging balik ng suporta mula sa mga dumayo.
Nagpahayag din sila ng pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng Siesta Family, maging regular man o minsan lang dumalaw. Ayon pa sa café, hindi pa nila alam kung ano ang susunod na hakbang, pero aalis silang may punong puso ng pasasalamat.
Bilang pagtanaw ng utang na loob, magpapatuloy pa sila sa mga events at cart pop-ups hanggang Enero 2026. Hinihikayat nilang sulitin pa ang mga natitirang sandali sa café bago tuluyang magpaalam.
Matatagpuan ang Siesta Horchata sa Scout Santiago, Quezon City. Kilala ito sa kanilang signature horchata drinks na gawa sa cinnamon rice milk, pati na rin sa mga pagkaing tulad ng nachos at grilled cheese sandwiches na abot-kaya sa halagang nasa ₱150 hanggang ₱300.