Ang Mitsubishi Motors Philippines Corporation (MMPC) at University of the Philippines Los Baños (UPLB) ay pormal na naglagda ng Deed of Donation at Partnership para sa Mitsubishi Strada Athlete pick-up. Layunin nito ang suporta sa DUNONG Program, na tumutulong sa edukasyon at nutrisyon ng mga batang may kahirapan sa pagbabasa at kulang sa pagkain.
Sa programa, pinagsasama ang pagkatuto at tamang pagkain. Nakatuon ito na matulungan ang mga bata hindi lang matuto magbasa at mag-aral, kundi maging malusog at masigla rin.
Ayon kay MMPC Chairman Noriaki Hirakata, mahalaga ang pakikipagtulungan ng industriya at akademya sa pangmatagalang pag-unlad. “Ang turnover na ito ay simbolo ng partnership na nagbubuklod sa lakas ng industriya at edukasyon para sa kaunlaran ng bansa,” ani niya.
Sinabi naman ni MMPC President & CEO Ritsu Imaeda na ang suporta sa ganitong programa ay bahagi ng kanilang misyon sa nation-building. “Hindi lang sa paggawa ng de-kalidad na sasakyan kami nakatutok. Layunin naming maging katuwang sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng programang nakakatulong sa buhay ng tao,” dagdag ni Imaeda.
Nagpasalamat si UPLB Chancellor Jose V. Camacho, Jr. sa tulong ng MMPC. “Ang Strada Athlete na naipagkaloob ay malaking tulong sa implementasyon ng DUNONG Program. Mas madali nating maaabot ang mga paaralan at komunidad, para lumaki ang mga bata sa kaalaman at kalusugan,” sabi niya.