
Ang magnitude 6.7 na lindol yumanig sa baybayin ng Cebu nitong Martes ng gabi. Ayon sa PHIVOLCS, ito ay tectonic at naganap sa lalim na 10 kilometro, mga 17 kilometro hilagang-silangan ng Bogo City, bandang 9:59 ng gabi.
Ramdam ang lindol sa Intensity III sa San Fernando, Cebu at Intensity II sa Laoang, Northern Samar. Naitala rin ang Instrumental Intensity IV sa Cebu City at Villaba, Leyte.
Nagbabala ang PHIVOLCS na posibleng magkaroon ng aftershocks at pinsala dahil sa lindol.
			
		    



