
Ang basketball legend na si LeBron James ay hindi pa nagdedesisyon kung kailan siya magre-retire habang naghahanda sa kanyang 23rd season sa NBA. Sa edad na 41 this December, excited si LeBron sa pagkakataong makalaro kasama si Luka Doncic at sa pinalakas na roster ng Lakers.
"Excited ako sa araw na ito at sa pagkakataong maglaro ng game na mahal ko para sa isa pang season," sabi ni LeBron. "Hindi ko alam kung kailan ang katapusan, kaya pinapahalagahan ko ang bawat sandali."
Noong nakaraang season, nag-average siya ng 24.4 points per game at sinabi na nanatiling matindi ang kanyang pagmamahal sa laro at ang kagustuhang patuloy na umunlad. Dagdag pa niya, "Mahilig ako sa proseso — sa training, sa pagpapalakas ng katawan, at sa bawat laro kahit gaano ito kahirap."
Ang Lakers ay nagbigay ng sorpresa sa NBA noong nakaraang season nang makuha si Luka Doncic mula sa Dallas Mavericks. Ayon kay LeBron, malaking motivasyon para sa kanya ang makalaro si Luka nang buong pre-season, kasama na ang bagong players na sina Marcus Smart at Deandre Ayton.
Si Doncic naman ay umaasang magiging mas matatag at malakas ang Lakers sa bagong season. "Kapag sumali ka sa bagong team sa gitna ng season, mahirap mag-adjust agad. Pero sa pre-season, makikilala namin ng mabuti ang bawat isa at mas magiging handa kami," sabi ni Doncic.




