
Ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez ay tuluyang nagtagumpay matapos siyang maging kampeon ng America’s Got Talent Season 20. Matapos ang 13 taon mula nang maging runner-up siya sa American Idol, muli siyang bumida at ngayon ay tinanghal na panalo.
Nakakuha siya ng golden buzzer mula kay Sofia Vergara sa kanyang unang performance ng “Beautiful Things.” Mula roon ay diretso na siya sa live shows hanggang sa makarating sa finals kung saan tinalo niya sina freestyle rapper Chris Turner at R&B artist Jourdan Blue.
Kahit 9 buwang buntis, pinatunayan ni Jessica na kaya pa rin niyang mangibabaw sa entablado. Sa finale, kinanta niya ang “Die With a Smile” ni Lady Gaga at Bruno Mars. Sinamahan pa niya ito ng performance ng “Golden Hour” kasama ang aerial duo na Sirca Marea.
Bilang kampeon, nag-uwi si Jessica ng ₱58 milyon (USD 1 milyon) at opisyal na naging kauna-unahang dating kalahok na bumalik para makuha ang titulo.
Naging espesyal din ang Season 20 dahil tampok dito ang ilang bigating performers at dating AGT alumni na nagbigay kasiyahan sa gabi ng tagumpay ni Jessica.