Ang anim na website ng ahensya ng gobyerno – kabilang ang DFA, DBM, DPWH, DepEd, BOC at BTr – ay na-hack kamakailan. Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), ito ay nangyari kasabay ng mga kilos-protesta laban sa malaking korapsyon sa gobyerno.
Ayon kay Rojun Hosillos, direktor ng DICT Cyber Security Bureau, ang atake ay pawang defacement lamang o pagbabago ng laman ng mga website. Agad namang naibalik ng mga ahensya ang kontrol sa kanilang mga online assets matapos ang ilang minuto.
Sinabi naman ni DICT Secretary Henry Rhoel Aguda na ang mga atake ay limitado lamang at hindi nakaapekto sa mas malaking operasyon ng mga ahensya.