Ang Technics, kilala sa mataas na kalidad na audio simula pa noong 1965, ay muling nagdadala ng kakaibang karanasan gamit ang bagong AZ100 True Wireless Earbuds. Mula sa sikat na turntables hanggang speakers, ipinapakita ng brand ang lakas nito sa tunog na malinaw at malakas, ngayon ay para sa mga manlalaro sa green.
May adaptive noise cancellation ang EAH-AZ100 na nagbibigay ng malinaw at mataas na kalidad na tunog. May kasamang acoustic control chamber at harmonizer na nagpapalawak ng soundstage, dagdag pa ang Magnetic Fluid Driver na binabawasan ang ingay at distortion para sa mas malinis na audio. Kahit podcast lang ang pakinggan, ramdam pa rin ang Dolby Atmos na sobrang malinaw ang tunog.
Para sa mga mahilig mag-multitask, may JustMyVoice technology at Voice Focus AI na nagpapalinaw sa tawag at usapan. Maaari ring ikonekta ang earbuds sa tatlong devices sabay-sabay tulad ng smartphone, tablet, at PC.
Sa disenyo naman, mas slim ng 10% at mas magaan ng 16% ang bagong earbuds kumpara sa luma. May modernong itsura na may metallic accents at compact charging case. May bagong kulay na Champagne Gold at Midnight Blue, bukod pa sa dati nang Black at Silver, para bagay sa mga fashion-conscious na manlalaro.
Available na ang EAH-AZ100 True Wireless Earbuds sa halagang humigit-kumulang ₱12,000 – ₱13,000, depende sa store.