Ang Dimasalang Bridge sa Maynila ay pansamantalang isinara sa mga motorista simula Setyembre 14, 11 p.m.. Ang saradong bahagi ay ang southbound lane, habang mananatiling bukas at tuloy-tuloy ang daloy ng trapiko sa northbound lane.
Ayon sa DPWH NCR, tatagal ang closure hanggang Disyembre 15, 2025. Kabilang sa gagawing rehabilitation ang retrofitting ng piers at abutments, pagpapalit ng concrete girders sa steel girders, at paggawa ng bagong redecking slab.
Habang ginagawa ang proyekto, pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta. May mga traffic enforcer na naka-deploy para tumulong sa daloy ng sasakyan at gabayan ang mga driver sa mga re-routing scheme.
Ang rehabilitation project ay pinamumunuan ng DPWH North Manila District Engineering Office matapos makakuha ng clearance mula sa LGU ng Maynila at MMDA.