Ang Japan Airlines humingi ng pasensya matapos mag-delay ng tatlong flights dahil sa isang lasing na piloto. Nangyari ito noong Agosto 28, matapos uminom ng sobra sa Hawaii ang piloto at hindi makalipad papuntang Nagoya. Isa sa mga flight ay naantala ng hanggang 18 oras.
Sa parehong araw, pinatawag ng Ministry of Transport ang chief safety officer ng airline at tumanggap ng sulat ng warning. Ito na ang pangalawang reprimand sa loob ng isang taon. Noong Disyembre, ipinatupad ng airline ang pagbabawal ng alak sa mga flight crew sa overnight stays matapos magkaroon ng kaparehong insidente sa Melbourne.
Ayon sa Japan Airlines President Mitsuko Tottori, palalakasin pa nila ang pag-check sa alkohol at kalusugan ng mga staff. Ipinahayag din ng Transport Minister Hiromasa Nakano ang pagkadismaya sa paulit-ulit na pangyayari. Safety at disiplina ang pangunahing diin ng airline upang maiwasan ang katulad na insidente sa hinaharap.