
Ang trahedya ay naganap sa Brgy. Pagsanghan, Banga, Aklan bandang alas-5 ng hapon kung saan nasawi ang magkapatid na sina Jonel Tamayo at Jomer Tamayo, parehong residente ng Cortes, Balete.
Nabatid na may tinatanggal silang transmission ng 12-wheeler truck nang biglang sumabog ang hydraulic pump supply. Dahil dito, hindi na nakontrol ng backhoe operator ang makina at bumagsak ang bucket sa magkapatid.
Idineklarang dead-on-the-spot ang dalawa. Ayon kay PCapt. Dandy Gonzalodo, hepe ng Banga Police Station, posibleng maharap sa kaso ang operator ng backhoe dahil sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang buong detalye ng aksidente at kung may pananagutan ang operator.