Ang Audi ay nagpakilala ng “Concept C,” isang bagong konsepto ng sasakyan na magbibigay daan sa panibagong design language ng kanilang lineup. Inspirasyon nito ang classic Audi TT at ilang modelo pa mula 1936 hanggang 2004.
Mukha ng Concept C ay kakaiba, may “vertical frame” grille na matagal nang bahagi ng DNA ng Audi. Inspirasyon nito ang Auto Union Type C ng 1936 at Audi A6 ng 2004. Box-type na harap at nakatampok na Four Rings ang nagbibigay ng mas matapang na identity.
Disenyo ay malapit sa TT, may dalawang upuan at retractable hard-top roof na sleek pa rin tingnan. Malalapad na fender ang naglalaman ng 21-inch na gulong na may two-tone finish. Headlights at taillights ay dynamic at nagbabago depende kung araw o gabi. May carbon fiber na body parts tulad ng splitter, diffuser, at side skirts.
Sa loob, malinaw at simple ang tema. Dashboard ay minimal na may digital gauge cluster at infotainment tablet na puwedeng itago. Touch-sensitive buttons na may “Audi Click” haptic feedback. Ambient lighting ay malambot at hindi nakakasilaw. Upuan ay gawa sa fiber at leather na synthetic pero premium ang dating.
Audi kumpirmado na gagawin sa production ang Concept C. Ito rin ang simula ng bagong design language na tiyak na makikita pa sa susunod na mga modelo ng brand. Presyo ay inaasahang magsisimula sa humigit-kumulang ₱3.5 milyon, depende sa market.