Ang online personality na si Bea Borres, 22, na ngayon ay 5 buwan buntis, ay umamin na dumating sa punto na halos magpa-abort siya habang nasa Amerika. Pero dahil sa mga palatandaan na galing kay God, nagbago ang kanyang desisyon at niyakap ang pagbubuntis.
Ibinahagi niya na nakarating na siya mismo sa clinic para sa proseso ng abortion. Ngunit sinabi ng nurse na hindi siya puwedeng magpatuloy, na itinuturing niya agad na isang sign mula kay God. Habang umiiyak siya sa eroplano, may babaeng katabi na nagsabi sa kanya na "babies are blessings from God," na naging pangalawang palatandaan.
Ikatlong beses naman ay nang may lumapit na babae mula sa Christian group at inalok siya ng suporta. Para kay Bea, malinaw na pahiwatig ito na hindi siya pababayaan at kaya niyang ituloy ang pagbubuntis.
Dagdag pa niya, mas naging matatag ang kanyang loob nang makatanggap siya ng text mula sa kaibigang si Andrea Brillantes, na nag-suggest na pangalanan ang baby ng Hope. Doon nagsimula ang kanyang pagtanggap at pagkakaroon ng bagong pag-asa sa buhay.
Ibinahagi rin ni Bea na pinili niya ang buong pangalan na Victoria Hope para sa kanyang baby girl, bilang simbolo ng panalo at pag-asa. Kahit na mag-isa siyang haharap sa pagiging ina matapos ang breakup, buo ang kanyang tiwala na magiging maayos ang lahat dahil sa gabay ni God.