
Ang Pag-IBIG Fund ay naglunsad ng super sale para sa mahigit 30,000 foreclosed properties. Bilang bahagi ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program, nag-aalok sila ng hanggang 40% diskwento upang mas maging abot-kaya ang pagkakaroon ng sariling bahay para sa mga manggagawang Pilipino.
Sa occupied units, mayroong 40% discount kapag cash ang bayad (mula ₱1M, magiging ₱600K na lang). Kung installment, may 30% bawas, at kung gamit ang Pag-IBIG housing loan, may 20% discount. Para naman sa unoccupied units, may 35% discount sa cash, 25% discount sa installment, at 15% discount kung housing loan.
Pinapayagan din ang mga kasalukuyang nakatira sa foreclosed property na bilhin ito sa mas mababang halaga o kaya ay mag-lease hanggang 3 taon kung hindi pa kayang bayaran. Ayon sa Pag-IBIG, layunin nitong bigyan ng peace of mind ang mga pamilya na magkaroon ng legal na pagmamay-ari sa kanilang tinitirhan.
Interesadong bumili? Ang mga bahay ay naka-post sa Pag-IBIG website, pero hinihikayat ang mga tao na personal na silipin ang property bago magbigay ng bid o presyo.