Lunes, Agosto 25, 2025
GR GLAMRITZ
  • Home
  • Game
  • HEADLINES
    • CRIME & ACCIDENT
    • TREND
    • SHOWBIZ
    • WORLD
    • POLITICS
    • NATION
  • MOVIE/SERIES
  • Fortune
  • Emotion
  • Toy / Animation
  • Lifestyle
    • AUTOS
    • MOTO
    • MUSIC & EVENTS
    • TECH
    • 3C
    • FASHION & FOOTWEAR
    • Food and Leisure
  • EN
  • TL
  • Home
  • Game
  • HEADLINES
    • CRIME & ACCIDENT
    • TREND
    • SHOWBIZ
    • WORLD
    • POLITICS
    • NATION
  • MOVIE/SERIES
  • Fortune
  • Emotion
  • Toy / Animation
  • Lifestyle
    • AUTOS
    • MOTO
    • MUSIC & EVENTS
    • TECH
    • 3C
    • FASHION & FOOTWEAR
    • Food and Leisure
  • EN
  • TL
No Result
View All Result
GR GLAMRITZ
No Result
View All Result

Mali ba kung nangingialam ako sa pera ng asawa ko?

6
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ang gusto ko lang ay maging maayos ang buhay namin ng mister ko, pero ngayon, pakiramdam ko ako pa ang nagmumukhang masama o kontrabida sa aming relasyon. Ako ay 35 years old, housewife, at ang mister ko naman ay 40 years old at nagtatrabaho. Sa ngayon, nakatira kami sa bienan ko dahil hindi pa tapos ang pinapagawa naming sariling bahay. Hirap na hirap ako sa sitwasyon kasi kahit gusto ko lang namang maging praktikal, naiisip ng mister ko na masyado akong nakikialam sa pera niya.

Noong nakaraang taon, tinulungan ng bienan ko ang kapatid niya (tita ng mister ko) na magpakabit ng wifi. Ang naging usapan, kami na raw ang magtutuloy ng bayad buwan-buwan. Simula noon, kami na ang nagbabayad ng ₱1,400 kada buwan. Ang rason nila, para makatulong daw kami sa kanila at mabawasan ang gastos nila, lalo na at marami silang pinapaaral at nahihirapan sa gastos. Naiintindihan ko ang pagtulong, pero ang bigat para sa akin kasi kami na halos ang gumagastos sa bahay, lalo na sa grocery. Halos wala nang natitira sa kinikita ng mister ko.

Kagabi, kinausap ko ang mister ko tungkol dito. Sinabi ko, “Pag natapos na yung bahay natin at bumukod na tayo, pwede bang tumigil na tayo sa pagbabayad ng wifi ng tiyahin mo?” Kasi hanggang ngayon, kami pa rin ang nagbabayad, kahit ang dami na naming gastos sa sarili. Pero ang sagot niya, “Hindi pa, saka na kapag nakapagtapos na yung pamangkin ko.” Doon ko naramdaman na parang inuobliga na kami kahit hindi naman talaga namin kaya. Ang totoo, hindi kami nakakaipon dahil ang dami naming gastos sa pagpapatayo ng bahay. Ang sahod ng mister ko ay sakto lang, at halos lahat napupunta sa materyales, bayad sa trabahador, at pang-araw-araw na gastusin.

Hindi ako laban sa pagtulong, kasi naniniwala ako na dapat tayong tumulong sa pamilya kapag kaya. Pero iba kasi yung obligahin ka. Sa totoo lang, gusto ko lang na unahin namin ang sarili naming pamilya. Kung tutulong man kami, sana kusa at hindi dahil pinipilit. Ang hirap sa pakiramdam na kahit sarili naming bahay hindi pa tapos, inuuna pa rin ang ibang tao. Kaya minsan, napapaisip ako kung tama ba na magsalita ako o dapat manahimik na lang.

Ang masakit pa, tuwing dinadala ko ang issue na ito, nagagalit ang mister ko. Sinasabi niya na wala naman akong tiwala sa kanya at masyado daw akong pakialamera. Pero ang gusto ko lang naman ay maayos ang kinabukasan namin, na may sariling ipon, at hindi puro utang o abono. Minsan naiisip ko, baka mali ako, pero minsan naman, pakiramdam ko tama ako kasi asawa niya ako at may karapatan din akong magtanong at magplano para sa amin.

Kaya ngayon, gusto ko lang i-confess ang bigat ng nararamdaman ko. Mali ba talaga ako kung nakikialam ako sa pera ng mister ko? Hindi ko alam kung ako ba ang mali o siya, pero sana may makaintindi. Hindi ko siya pinagbabawalan tumulong, pero gusto ko rin na makita niyang may hangganan dapat ang lahat, lalo na kung ang kapalit ay ang kapakanan ng sarili naming pamilya.

Tags: Emotion
ShareTweetShare
Previous Post

E-wallet ban nagbawas ng sugal, tumaas iligal

  • Advertise
  • Privacy & Policy

Copyright © 2018 GR-888 Solutions Inc.

Free website traffic

No Result
View All Result
  • HOME
  • GAME NEWS
  • MOVIES
  • FORTUNE
  • EMOTION
  • Toy / Animation
  • 3C
  • LIFESTYLE
    • Headline News
    • AUTOS
    • MOTO
    • MUSIC
    • TECH
  • CASINO REVIEWS
    • CASINO REVIEWS
    • SlotGames
    • LottoLottery

Copyright © 2018 GR-888 Solutions Inc.

Free website traffic