
Ang buhay pag-ibig ko ay sobrang komplikado at puno ng guilt. Ako ay 29 years old at may long-time boyfriend na nagtatrabaho sa abroad. Simula pa lang, mahal ko na siya at siya ang nakikita kong makakasama ko habang buhay. Pero noong 2022, may nangyari na hindi ko inaasahan—at doon nagsimula ang lahat ng gulo.
May nakilala akong lalaki online. Sa una, simpleng chat lang, hanggang sa na-curious ako at na-stalk ko siya. Doon ko nakita na may anak at asawa siya. Nang tanungin ko siya, sinabi niyang hiwalay na raw sila at hindi kasal. Dahil gusto ko siyang paniwalaan, naniwala ako. Sweet siya, maalaga, at lagi akong napapangiti. Hindi ko namalayan, nahulog na ako. Dumating sa punto na nagkita kami at may nangyari. Hindi lang isang beses kundi ilang ulit, hanggang sa bigla siyang nawala sa communication.
Ilang buwan ang lumipas, saka ko nalaman ang masakit na katotohanan. Married pala siya talaga at nagsinungaling tungkol sa edad niya. Masakit kasi parang ginamit niya ang tiwala ko, pero sa kabila nun, hindi ko siya tuluyang makalimutan. Pagkatapos ng isang taon, nagbalik siya at umamin na sa lahat. Sinabi niyang mahalaga pa rin ako sa kanya kahit may asawa siya.
Dito na lalo akong nalito. Kahit alam kong mali, nagpatuloy kami sa communication. Lagi kaming nagcha-chat, nagsh-share ng thoughts sa buhay, at minsan napupunta pa sa d1rty talks. Sinabi niya na gusto niya ang connection namin at ako naman, nahihirapang humindi. Hindi niya alam na may matagal na akong boyfriend, at hindi rin alam ng boyfriend ko na may nangyayari sa akin at sa ka-FUBU ko. Para akong nabubuhay sa dalawang mundo.
Plano ko na sanang magpakasal sa long-time BF ko. Alam ko na siya ang dapat kong piliin kasi siya yung nandiyan para sa akin mula noon. Pero ang hirap kasi nahulog din ako sa ka-FUBU ko. Nasabi ko sa kanya na gusto ko ng kasal at sariling pamilya. Ang sagot niya, pumayag siya at open siya kung saan hahantong ang relasyon namin. Pero sinabi rin niya na sinusubukan pa rin niyang ayusin ang pamilya niya dahil sa anak nila, kahit madalas daw silang nag-aaway ng asawa niya.
Sa totoo lang, mahal ko ang BF ko at siya ang gusto kong makasama habang buhay. Pero sa oras na malungkot ako at nangangailangan ng karamay, siya (ka-FUBU) ang nakakausap ko. Doon ako humuhugot ng lakas, kahit alam kong mali. Kaya sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon—parang hati ang puso ko. Hindi ko alam kung kanino ako dapat kumapit.
Gusto ko lang i-share itong confession na ito para mailabas ko ang bigat na dinadala ko. Alam kong marami ang huhusga sa akin, pero sana may makaintindi rin. Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang gulo na ito—kung pipiliin ko ang tamang landas kasama ang BF ko, o kung patuloy akong mahuhulog sa maling relasyon na nagdadala rin ng saya pero puno ng kasalanan.