Ang Pixel 10 Series ay opisyal nang inilunsad na may apat na bagong modelo: Pixel 10, Pixel 10 Pro, Pixel 10 Pro XL, at Pixel 10 Pro Fold. Lahat ay gamit ang Tensor G5 chip, pinakamakapangyarihang processor ng Google hanggang ngayon. Kasama rin dito ang bagong Gemini Nano AI na mas mabilis at mas tipid sa enerhiya.
Ang Pixel 10 ay may 6.3-inch Actua display na may liwanag na 3,000 nits at 5x telephoto lens. May apat na kulay: Obsidian, Frost, Indigo, at Lemongrass. Presyo: ₱46,000.
Para sa mas advanced na user, may Pixel 10 Pro (₱57,000) at Pixel 10 Pro XL (₱68,000). May premium na disenyo, mas malaking baterya, 16GB RAM, 100x zoom camera, at suporta sa bagong Qi2 wireless charging. Available sa Obsidian, Porcelain, Moonstone, at Jade.
Ang pinaka-inaabangang modelo ay ang Pixel 10 Pro Fold (₱102,000). May durable gearless hinge, IP68 rating, ultra-thin glass, at kaya raw tumagal ng 10 taon ng pag-fold. Lumabas ito sa dalawang kulay: Moonstone at Jade.
Pre-order ay nagsimula na. Pixel 10, Pro, at Pro XL ilalabas sa Agosto 28, habang ang Pixel 10 Pro Fold ay sa Oktubre 9.