Ang Kapamilya actress na si Maris Racal ay matagumpay na naoperahan para sa pagtanggal ng kanyang appendix. Sa social media, nagbahagi siya ng mga larawan habang nagpapahinga at nagbibiro pa sa caption, “Congrats, it’s an appendix.”
Nagpasalamat si Maris sa mga doktor at nurse na nag-alaga sa kanya. Malaki rin ang pasasalamat niya sa kanyang kapatid na si Myka, na nagbantay sa kanya kahit birthday nito.
“Still on the road to recovery, rarampa muli,” dagdag pa ni Maris sa kanyang post.
Maraming celebrities ang nagpadala ng well wishes kabilang sina Joshua Garcia, Agot Isidro, Jugs Jugueta, at Nikki Valdez. Nagbiro pa si Joshua, “Ayan puro kasi alak,” habang sinabi naman ni Agot, “Huy! Feel better.”
Maging ang mga fans ay nag-iwan ng nakakatawang komento, gaya ng “Hala sige, pasalamat ka kay Papa God,” na galing sa huling pelikula ni Maris na “Sunshine.”