
Ang Land Transportation Office (LTO) Region IV-A CALABARZON ay inanunsyo ang pamamahagi ng mga plaka para sa mga sasakyang may backlog mula taong 2014 hanggang 2017. Matapos maresolba ang 11-taong delay, maari nang kunin ng mga motorista ang kanilang plaka sa mga itinakdang lugar.
Bilang bahagi ng Oplan: Stop, Plate, and Go program, magsasagawa ang LTO ng plate distribution caravan sa Cavite mula Agosto 13 hanggang Agosto 17, 2025. Layunin nitong dalhin ang serbisyo direkta sa mga komunidad para sa mas mabilis at maayos na proseso, alinsunod sa pangakong “Bagong Pilipinas” ng maayos na serbisyo publiko.
Schedule ng Plate Distribution sa Cavite:
Agosto 13, 2025: Kawit (Brgy. Samala-Marquez, 5:00 PM–7:00 PM), Indang (Cavite State University, 9:00 AM–11:00 AM)
Agosto 14, 2025: Kawit (Brgy. Samala-Marquez, 5:00 PM–7:00 PM), Gen. Emilio Aguinaldo (Covered Court, 9:00 AM–11:00 AM)
Agosto 15, 2025: Kawit (Brgy. Samala-Marquez, 5:00 PM–7:00 PM)
Agosto 16, 2025: Bacoor City (Brgy. Molino 3 at Bayanan, 9:00 AM–2:00 PM), GMA (Sports Complex, 8:00 AM–3:00 PM), Cavite City (Samonte Park, 8:00 AM–5:00 PM), Tanza (Convention Center, 8:00 AM–5:00 PM), Dasmariñas (Brgy. Burol 1, 9:00 AM–12:00 PM), Trece Martires City (De Ocampo Covered Court, 8:00 AM–11:00 AM), Naic (Brgy. San Roque, 1:30 PM–5:00 PM), Tanza (SM City Tanza, simula 8:00 AM)
Para makuha ang plaka, kinakailangan magdala ng photocopy ng OR at CR, Deed of Sale kung sakop, at authorization letter na may valid ID kung representative ang kukuha.