
Ang tatlong aso at isang pusa ay natagpuang patay sa Barangay Padu Grande, Sto. Domingo, Ilocos Sur nitong Sabado.
Ayon sa mga may-ari, nakita ang kanilang mga alaga na may bula sa bibig at may puting likido sa paligid kung saan sila natagpuan. Pinaghihinalaan nilang nakalunok o nakakain ng lason ang mga hayop.
Labis ang lungkot at panghihinayang ng mga may-ari sa pagkawala ng kanilang mga alaga, na itinuring nilang parte ng pamilya.
Hiling nila sa mga awtoridad na agad na imbestigahan ang insidente at panagutin ang sinumang responsable.
Nais din nilang humingi ng tulong mula sa mga grupong nag-aalaga sa kapakanan ng hayop upang masiguro na hindi na mauulit ang ganitong pangyayari sa kanilang lugar.