
Ang Hulu app ay tuluyang mawawala at magiging bahagi na ng Disney+ pagsapit ng 2026. Layunin nito na pagsamahin ang iba’t ibang palabas sa iisang app para mas madali at maginhawa ang panonood ng mga subscriber.
Matapos makuha ang buong kontrol sa Hulu, inanunsyo ng kumpanya na mawawala na ang hiwalay na Hulu app. Pero mananatili ang opsyon para sa mga subscriber na mag-avail ng Disney+ o Hulu nang hiwalay. Pareho pa rin silang mapapanood sa iisang Disney+ app depende sa planong kinuha.
Hindi lang sa U.S. gagawin ang pagbabago. Pagsapit ng taglagas, papalitan ng Hulu brand ang Star tile sa Disney+ sa ibang bansa. Sa ganitong paraan, mas makikilala ang Hulu bilang global brand para sa general entertainment.
Ayon sa pamunuan, makakatulong ang pagsasama ng app para bumaba ang operational costs, tumaas ang engagement, at mabawasan ang subscriber na umaalis. Magbubukas din ito ng mas maraming oportunidad para sa ads at flexible na bundles.
Ang hakbang na ito ay patunay ng patuloy na pagsasama-sama ng mga streaming service para magbigay ng all-in-one platform. Para sa mga manonood, nangangahulugan ito ng isang destinasyon para sa Marvel, Star Wars, pamilya, balita, live sports, at iba pang palabas.