
Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon kaya gusto ko maglabas ng sama ng loob. 22 years old ako at may boyfriend na kami ng 15 months. Pero nitong mga nakaraang buwan, sobrang pagod na pagod na ako sa pag-iisip at pagdududa. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung kaya ko pa. Parang sasabog na utak ko sa kaka-overthink.
Babalik tayo noong September 2024. Six months pa lang kami noon. Isang araw, habang hawak ko ang account niya (may access ako), bigla kong nakita ang picture ng kapatid ko na naka-skirt sa phone niya. Kinabahan ako at agad ko siyang tinanong. Sabi niya, “Sinend ko lang ‘yan sa kaibigan ko kasi irereto ko siya.” Pero walang kahit anong conversation sa kaibigan niya tungkol doon. Bigla pa niyang tinawagan ‘yung friend niya para pagtakpan. Doon na ako nagtaka nang husto.
Hanggang sa umamin siya. Sabi niya, ginamit daw niya ‘yung picture ng kapatid ko para magsarili. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o sisigaw. Umaga noon, pero wasak na agad ako. Umiiyak na lang ako ng iyak at tinanong ko siya, “Saan ba ako nagkulang?” Ang sakit, sobra.
Ginawa niya lahat para bumawi pagkatapos nun. Pumunta pa siya sa mama ko para humingi ng tawad. Nag-sorry siya nang paulit-ulit. Simula noon, naging sobrang sweet siya, mas maalaga, halos lahat ng gusto ko, ginagawa niya. Pakiramdam ko, swerte ako kasi parang mas mahal na mahal na niya ako. Ramdam ko ‘yung effort niya at nagbago talaga siya.
Pero kahit anong pilit kong kalimutan, hindi nawawala sa isip ko ang ginawa niya. Kahit kapatid ko mismo sinasabi na huwag ko nang isipin kasi nagbago na siya, hindi ko magawa. Lagi akong naiiyak pag naaalala ko. At minsan napapaisip ako, paano kung hanggang ngayon ginagawa pa rin niya? May attraction pa ba siya sa iba? May chance pa bang maulit ‘yon?
Ayoko nang ganito. Hindi ko alam kung makikipaghiwalay na ako para matapos na ang pagdurusa ko, o magpapatuloy pa ako kasi baka ako lang ang nag-o-overthink at totoo ngang nagbago na siya. Natatakot akong magsisi pag iniwan ko siya, pero natatakot din ako na habang buhay kong dadalhin ‘tong bigat na ‘to.
Kaya nandito ako ngayon, humihingi ng payo. Sa totoo lang, mahal ko pa siya, pero mahal ko rin sarili ko. Hindi ko alam alin ang pipiliin. Tama ba na tapusin ko na, o bigyan ko pa siya ng isang chance?