
Kumpirmado na ang pagbabalik ng Ram TRX. Ayon sa CEO ng Stellantis, magiging malaking ambag ito sa benta at kita ng kumpanya. Bagama’t walang tiyak na petsa ng produksyon, inaasahan ng mga source na magsisimula na ang paggawa ng bagong TRX pagsapit ng Enero 2026.
Noong una, ang TRX ay may 6.2L Hellcat V-8 na nagbibigay ng 702 hp. Sa pagbabalik nito, inaasahan na tataas pa ang horsepower para mas lalo itong maging off-road beast. Sa pamumuno ng bagong CEO ng Ram na ngayon ay namamahala rin sa SRT performance division, inaasahang lalong bubulusok ang performance level nito.
Wala pang tiyak na detalye tungkol sa disenyo at makina, pero malamang na manatili ito sa pormula ng supercharged V-8 power, matibay na hitsura, at extreme off-road capability. Bukod dito, ipinahiwatig ng Ram na ibabalik din ang HEMI V-8 sa kanilang 1500 lineup sa 2026 at may plano silang maglabas ng 25 bagong produkto sa loob ng 18 buwan.
Dahil sa mas relaxed na fuel economy standards ng kasalukuyang administrasyon sa U.S., mas pinapalakas ngayon ng Ram ang kanilang V-8 performance lineup — at ang pagbabalik ng TRX ang simula nito.