Ang isang suspek sa pagpatay sa Italianong pari noong 2011 ay dinukot ng mga armadong lalaki sa Cotabato nitong Martes.
Si Jonie Corbala, na wanted sa kaso ng pagbaril kay Italian priest Fausto Tentorio, ay sakay ng motorsiklo nang harangin siya ng mga lalaki sa Barangay Santo Niño, Arakan.
Ayon sa mga saksi, nasugatan si Corbala bago siya sapilitang isinama ng mga salarin na tumakas gamit ang motorsiklo.
Matagal nang may kasong pagpatay at kidnapping si Corbala sa korte sa Central Mindanao.
Sa ngayon, hindi pa tukoy kung sino ang mga armadong lalaki na dumukot sa kanya.
Tags: Nation