
Ang isang lalaki sa South Korea ay inakusahan ng pagbaril at pagpatay sa kanyang anak matapos umano itong tumigil sa pagbibigay ng pera mula sa family business. Ayon sa mga ulat, pakiramdam ng suspek ay “na-betray” siya, kaya niya ginawa ang krimen.
Nag-anunsyo ang mga otoridad na nangyari ang insidente noong Hulyo 20, bandang 8:31 ng gabi, sa bahay ng suspek sa Incheon habang nagaganap ang birthday celebration na inorganisa ng anak para sa kanya. Kasama sa selebrasyon ang asawa, dalawang anak, at iba pang kamag-anak.
Ayon sa imbestigasyon, 62 anyos na lalaki ay tumanggap dati ng ₩3 milyon (humigit-kumulang ₱124,000) kada buwan mula sa kanilang skincare business na pag-aari ng kanyang dating asawa. Tumigil daw ang sahod nito noong nakaraang taon kaya ginamit niya ang natitirang pera mula sa pension para sa gastusin. Dahil dito, naging galit siya sa anak at sinabing siya ay “mabuting tao” noon.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, wala pang malinaw na motibo, pero nahanap sa bahay ng suspek ang 15 lalagyan ng nasusunog na likido at mga ignition device na may timer, na parang plano pa nitong magsimula ng sunog. Sinasabi ng pamilya na target din nito ang manugang at mga apo, at itinanggi ang sinasabi nitong may “matagal nang alitan.”