Ang apat na katao ay namatay sa Maynila matapos mahawa ng leptospirosis dahil sa malalang pagbaha, ayon sa lokal na pamahalaan.
Ang mga biktima ay dinala sa Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital. Kasalukuyan namang may 13 pasyente na naka-confine sa iba pang ospital ng lungsod, habang may isang posibleng kaso sa Ospital ng Sampaloc.
Inutusan ni Mayor Isko Moreno ang city health department na maglagay ng “leptospirosis fast lanes” sa mga ospital, health centers, at evacuation sites para mas mabilis ang gamutan at check-up ng mga pasyente.
Higit 62,200 capsules ng doxycycline, isang antibiotic na panlaban sa leptospirosis, ang naipamahagi na sa mahigit 31,000 residente bilang proteksyon laban sa sakit.