Ang isang barangay health worker na kinilalang si Cristina “Tinay” Padora, 49-anyos, ay patay matapos makuryente habang tumutulong sa mga residenteng binaha sa Brgy. Bayugo, Meycauayan, Bulacan.
Ayon sa ulat, aksidenteng nadikit si Tinay sa live wire na nakalubog sa baha habang ginagawa ang kanyang tungkulin. Agad siyang dinala sa ospital pero hindi na siya nailigtas.
Samantala, isang bangkay ng babae ang natagpuan na palutang-lutang sa ilog ng Brgy. Taliptip, Bulakan bandang 12:30 ng tanghali. Isang bangkero ang nakakita sa katawan habang papunta sa Taliptip Fishport at agad ini-report sa barangay at mga awtoridad.
Nagpahayag ng pakikiramay ang mga residente kay Tinay at pinuri ang kanyang kabayanihan bilang tapat na lingkod bayan na nag-alay ng serbisyo sa gitna ng sakuna.