
Ang ilang simbahan sa Quezon City ay nagsilbing ligtas na kanlungan para sa mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon.
Ayon sa Diocese of Cubao, may anim na simbahan ngayon ang tumatanggap ng mga evacuee bilang pansamantalang tuluyan. Naglabas sila ng pahayag sa Facebook na nagsasabing ang simbahan ay bukas sa lahat bilang tahanan at sandigan sa oras ng sakuna.
Narito ang mga simbahan na tumutulong sa mga evacuee:
Holy Family Parish - Roxas District
San Antonio de Padua Parish
Basilica Minore de San Pedro Bautista
Minor Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel
Immaculate Heart of Mary Parish
Bandang alas-dos ng hapon, iniulat ng PAGASA na ang low pressure area sa silangan ng Aurora ay naging isang tropical depression na pinangalanang Dante.
Sa gitna ng pag-ulan at pagbaha, patuloy ang simbahan sa pagbibigay ng tulong, kalinga, at pag-asa sa mga nangangailangan.