Ask ChatGPT

Ang legal na online gaming sa Pilipinas ay nagbibigay ng mahigit 50,000 trabaho at bilyong piso sa pondo ng gobyerno. Ayon sa mga operator, maaaring mawalan ng kabuhayan ang maraming Pilipino kung tuluyang ipagbawal ito.
Noong 2024, umabot sa P112 bilyon ang kinita ng gobyerno mula sa legal na online gaming. Kabilang dito ang P16.6 bilyon para sa PhilHealth, P46.32 bilyon para sa national treasury, at P12.37 bilyon para sa mga civic projects mula sa Office of the President.
Ayon kay Tonet Quiogue, CEO ng Arden Consult, hindi ang legal operators ang problema kundi ang mga illegal at unregulated na sugal. Aniya, ang mga lisensyadong gaming platforms ay may mahigpit na seguridad tulad ng KYC, age check, self-ban features, at real-time monitoring.
Kung ipagbabawal ang legal na online gaming, maaaring lumakas ang black market at mawalan ng kontrol ang gobyerno sa aktibidad. Mawawala rin ang proteksyon ng manlalaro at buwis na pumapasok sa kaban ng bayan.
Sa ibang bansa tulad ng Colombia, Argentina, Sweden at Singapore, bumaba ang ilegal na sugal matapos magpatupad ng maayos na regulasyon. Ipinakita nito na ang regulation, hindi ban, ang mas epektibong solusyon.