
Ang HBO ay naglabas ng unang sulyap kay Nick Frost bilang Rubeus Hagrid sa kanilang paparating na Harry Potter series. Gaganap si Frost bilang paboritong half-giant at Hogwarts groundskeeper, na dating ginampanan ng yumaong Robbie Coltrane.
Makikita sa larawan si Frost na suot ang mahabang balbas at gusot na buhok, kapareho ng hitsura ng orihinal na Hagrid. Naka damit din siya ng earth-toned outfit, isang klasikong porma na kilalang-kilala ng mga tagahanga.
Kakasabay nito, ipinakita rin ang unang tingin kay Dominic McLaughlin bilang Harry Potter, suot ang Gryffindor uniform at bilog na salamin na naging simbolo ng karakter.
Kasama rin sa cast sina Arabella Stanton bilang Hermione Granger at Alastair Stout bilang Ron Weasley. May kilalang artista rin tulad ni John Lithgow bilang Dumbledore, Janet McTeer bilang McGonagall, at marami pang iba.
Mapapanood ang bagong Harry Potter series sa 2027. Para sa mga tagahanga, ito’y panibagong paglalakbay pabalik sa mahiwagang mundo ng Hogwarts.