
Ang Ducati ay nagbigay-pugay sa Italian Grand Prix sa Mugello sa pamamagitan ng isang espesyal na disenyo na inspired ng Renaissance. Ang bagong Desmosedici GP bikes at racing suits ay may disenyong hango sa mga likha nina Leonardo da Vinci at Niccolò Machiavelli — mga kilalang personalidad noong ika-14 hanggang ika-16 na siglo.
Sa disenyo, pinagsama ang sining, agham, at teknolohiya. Tampok dito ang guhit ni da Vinci na “Ancient Captain” at ang sikat na quote ni Machiavelli mula sa The Prince. Sabi nito: “Ang pinuno ay dapat maging tulad ng lion para takutin ang lobo at tulad ng fox para makaiwas sa bitag.”

Para buhayin ang ideya ng “modern-day knight,” tampok sina Francesco Bagnaia at Marc Márquez bilang mga mukha ng kampanya. Makikita ang lion at fox sa bagong livery, at maging ang mga racing numbers nilang 63 at 93 ay idinisenyo na parang parte ng armor.

Kinunan ang campaign sa Florence, ang tinatawag na “cradle of the Renaissance.” Tampok dito ang mga iconic na lugar gaya ng Stibbert Museum, Piazza della Signoria, at Palazzo Vecchio — na lahat ay nagpapakita ng ganda ng sining at disenyo.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na website ng Ducati.