Ang mga alagang aso ng ilang pet owners ay naging sentro ng diskusyon matapos kumalat muli ang isang lumang post tungkol sa paggamit ng baby diaper changing station sa mall—para sa aso. Ayon sa isang post sa Reddit, kuha raw ito sa isang restroom ng mall sa Pampanga noong 2021, kasagsagan ng pandemya.
Ibinahagi ng uploader ang karanasan bilang babala sa iba. “Pandemic era pa ‘to... ginagamit nila sa dog nila ‘yung diaper changing table for babies! Grabe!” saad niya. Maraming netizens ang nagpahayag ng diskustado sa ginawa ng fur parents.
Ipinakita rin sa mga komento sa Facebook at Threads ang pagkadismaya. Isa pang user ang nagsabing, “Kahit gaano ko kamahal ang fur baby ko, hindi ko ilalapag sa ganitong lugar. Madaming baby ang may allergy sa balahibo, delikado!”
Ayon sa ilang mall guidelines tulad ng SM Supermalls pet policy, malinaw na bawal ilagay ang mga alaga sa diaper changing table o baby seats sa loob ng restroom. May mga mall na pet-friendly, pero may limitasyon pa rin sa paggamit ng mga pasilidad.
Ang sitwasyong ito ay paalala sa mga pet owners na maging responsable at isalang-alang ang kalinisan at kaligtasan ng ibang tao, lalo na ng mga sanggol.