Ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo at si Lucena Mayor Mark Alcala ay muling naging usap-usapan online matapos umano’y makita sa NAIA na paalis papuntang Australia. Ayon sa ulat ng Pep.ph, magkaibang oras umano dumating ang dalawa sa airport.
Kinumpirma ng ilang sources na papuntang Australia si Kathryn at Mark—si Kathryn ay patungong Melbourne, habang si Mayor Mark ay sa Sydney. Hindi binanggit kung magtatagpo ang dalawa doon.
Noong nakaraan buwan, may nag-post sa Reddit na nakita raw silang magkasama sa Bonifacio Global City, pero wala raw nakuhang litrato dahil agad silang isinakay sa van.
Usap-usapan na rin ang romansa sa pagitan ng dalawa simula pa noong Disyembre ng nakaraang taon. Maraming netizens ang nagdududa kung may relasyon na nga ba sila.
Sa isang interview noong ABS-CBN Ball nitong Abril, tinanong si Kathryn kung may karelasyon siya. Sagot niya, "I'm very happy. And yes, still single."