
Ang Nintendo ay opisyal nang nagkumpirma na gumagawa ito ng mas maraming pelikula at TV adaptations. Bukod sa nakatakdang Super Mario Bros. Movie 2 sa Abril 2026 at Legend of Zelda live-action film sa Mayo 2027, may iba pa silang proyekto na hindi pa ina-announce.
Sa isinagawang annual meeting, sinabi ni Nintendo President Shuntaro Furukawa na mas pinili ng kumpanya na maging hands-on sa paggawa ng mga pelikula, imbes na ipaubaya lang ito sa ibang production companies. Ito raw ay para mapanatili ang kalidad at authenticity ng bawat palabas.
Gaya ng naging matagumpay na Super Mario Bros. Movie noong 2023 na kumita ng higit $1.3 bilyon, layunin ng Nintendo na palawakin pa ang access sa kanilang sikat na characters. Ito rin ay parte ng kanilang plano na mas palakasin pa ang kanilang core business na pinag-uugma ang hardware at software.
Wala pang opisyal na kumpirmasyon kung aling franchise ang susunod, pero maraming fans ang umaasang may pelikula na rin para sa Metroid, Kirby, o Donkey Kong.
Ayon pa kay Furukawa, “Aktibo kaming gumagawa ng mga proyekto sa visual content, at kami mismo ay nag-i-invest dito. Gusto naming tiyakin na mataas ang kalidad ng mga pelikulang lumalabas gamit ang aming mga karakter.”