Ang P-pop group na BINI ay papasok na sa mundo ng beauty sa paglabas ng BINI Cosmetics, ang kanilang unang makeup line. Tampok dito ang limang produktong personal nilang pinili at tinest para ipakita ang kanilang style at koneksyon sa fans.
Kasama sa koleksyon ang Eye Candy na quad eyeshadow palette, Cherry Blush na multi-use tint para sa mata, pisngi at labi, Lip Jelly na tinted lip oil, Cloud Lash na 2-in-1 mascara, at Pout Pop na lip plumping tint.
Sabi ni Gwen, isa sa mga miyembro, “Talagang pinag-isipan namin ang mga shade, texture, at packaging. Kahit pagkatapos ng rehearsal, naglalaan kami ng oras para mag-test at mag-swatch. Gusto naming siguraduhin na maganda ang kalidad at maipagmamalaki namin ito.”
Ayon sa grupo, “Hindi lang ito tungkol sa beauty — ito ay tungkol sa expression, confidence, at pagmamahal.”
Inanunsyo nila ito sa kanilang "Here With You" fan homecoming show sa MOA Arena noong June 29, kung saan may pop-up booth na nagpakita ng koleksyon. Abangan ang detalye ng pre-order na ilalabas nila soon.