
Ang SUV na minamaneho ng 13-anyos na babae ay bumangga sa isang van noong Linggo, Hunyo 22, sa San Juan, La Union. Ayon sa pulisya, kasama ng dalagita ang isa pang babae at pareho silang nagtamo ng sugat matapos ang insidente. Lumabas sa imbestigasyon na tumakas sila mula sa kanilang bahay gamit ang sasakyan.
Nangyari ang aksidente nang mawalan ng kontrol ang bata at lumampas sa kurbada ng kalsada. Sa lakas ng banggaan, nasugatan ang lahat ng 21 sakay ng van. Parehong dinala sa ospital ang mga biktima at kasalukuyang nasa stable condition.

Malubha ang pinsala ng parehong sasakyan at patuloy ang imbestigasyon. Nasa pangangalaga na ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office ang dalagita. Iniimbestigahan din kung paano siya nakapagmaneho ng sasakyan.
Ayon kay Atty. Albert Sadili, ang mga magulang ang may pananagutan kapag ang menor de edad ay nakagawa ng aksidente o krimen. Ipinaliwanag niyang ayon sa Civil Code, dapat bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang maiwasan ang ganitong insidente.
