
Ang operasyon ng NBI sa Parañaque ay nauwi sa gulo matapos lumaban ang dalawang Chinese nationals na inaaresto. Isa sa kanila ang sumuntok sa NBI agent, habang ang isa ay tumanggi ring sumuko.
Nagsimula ang operasyon dahil sa reklamo ng isa ring Chinese na umano'y hinihingian ng P35,000 kapalit ng kanyang passport. Ayon sa biktima, gusto na niyang umuwi sa China matapos makatakas sa isang scam hub.
Ayon kay NBI Intelligence Service assistant director Noel Bocaling, lumala ang sitwasyon nang biglang manakit ang isa sa mga suspek. Agad silang pinosasan ng mga ahente.
Tatlong ahente ng NBI ang nasugatan sa kaguluhan, ngunit naibalik naman ang passport ng biktima.
Ang mga suspek ay nasa kustodiya ng NBI sa Muntinlupa at haharap sa kasong robbery, extortion, direct assault, at paglabag sa Philippine Passport Act.