Ang dalawang Vietnamese nationals ay naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Bel-Air, Makati City dahil sa umano’y illegal na cosmetic procedures.
Ayon sa ulat, ang operasyon ay nagsimula matapos magreklamo ang isang babaeng kliyente na nakaranas ng sira at delikadong resulta mula sa nose lift at Korean fillers na isinagawa ng mga suspek.
Hindi umano lisensyado ang mga dayuhan at wala ring tamang training para magsagawa ng ganitong mga procedure. Nagsagawa ng entrapment operation ang mga otoridad matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa kanilang gawain.
Nakumpiska rin sa operasyon ang ilang cosmetic tools at gamot na ginagamit sa kanilang serbisyo. Pinag-aaralan na kung may iba pa silang naging biktima.
CIDG ay patuloy na nagpapaalala sa publiko na magpa-retoke lamang sa lisensyado at rehistradong doktor para makaiwas sa panganib at aberya.