Ang Gachiakuta ay isang dark fantasy shonen anime na ginawa ng kilalang Studio Bones, ang studio sa likod ng My Hero Academia at Fullmetal Alchemist. Base ito sa manga ni Kei Urana, na unang lumabas sa Weekly Shonen Jump noong 2022. Ang kwento ay umiikot kay Rudo, isang batang lalaki mula sa slums ng isang lumulutang na lungsod na napagbintangang pumatay at itinapon sa isang madilim at mapanganib na lugar sa ibaba na puno ng halimaw.
Sa official trailer, ipinakita ang matitinding laban, graffiti-inspired visuals, at urban style na bumubuo sa kakaibang mundo ng Gachiakuta. Mapapansin ang ganda ng animation, lalo na sa fast-paced na aksyon at emosyonal na eksena. Tampok rin sa trailer ang grupo ng Cleaners, mga mandirigmang sumusugpo sa mga halimaw na tinatawag na “trash beasts.”
Makikilala rin natin sina Regto, ang magiging mentor ni Rudo, at Jabber, isang makapangyarihang Raider na gumagamit ng neurotoxic rings. Ang opening theme na “HUGs” ng Paledusk at ending theme na “TOMOSHIBI” ng DUSTCELL ay nagpapalalim sa gritty at rebellious na vibes ng anime.
Ipapalabas na sa July 6, 2025, ang Gachiakuta ay mapapanood exclusively sa Crunchyroll. Kasama ng release nito ang “Gachiakuta World Takeover” campaign kung saan magkakaroon ng advanced screenings sa 15 bansa, interactive fan activities, at isang graffiti maker website kung saan puwedeng gumawa ng sariling digital tags.
Panoorin ang official trailer ng Gachiakuta at abangan ang seryeng punô ng aksyon, drama, at kakaibang mundo.