Ang isang babae ay binaril ng kanyang kaibigan matapos silang magkapikunan tungkol sa nawawalang P700. Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa Barangay 105, Tondo, Maynila noong Abril. Ginamit ng suspek ang isang pen gun na may 9mm na bala.
Kwento ng biktima, pinagbintangan siya ng lalaki na kumuha ng nawawalang pera pero mariin niya itong itinanggi. Dahil sa galit, sinabi raw ng babae na sisirain niya ang motor ng suspek, na siyang nagtulak sa lalaki na bumunot ng baril at putukan siya.
Tinamaan sa tiyan ang biktima at agad dinala sa ospital, kung saan siya isang linggo nagpagaling. Ayon sa suspek, labis ang kanyang pagsisisi at humihingi siya ng tawad sa kanyang kaibigan.
Arestado na ang lalaki at kasalukuyang nakakulong sa Police Station 2 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.