Ang isang Vietnamese national na kilala bilang alyas “Duc,” 30 anyos, ay arestado matapos matunton ng Pasay City Police sa isang condominium sa Taguig City nitong Biyernes ng gabi. Dinakip siya dahil sa kasong frustrated homicide, base sa warrant of arrest mula sa Pasay Regional Trial Court noong Mayo 21, 2025. Inirekomenda ang piyansa na P72,000 para sa pansamantalang paglaya.
Nagsimula ang kaso nang masangkot si “Duc” sa isang gulo sa isang restaurant sa Pasay City kasama ang isa pang Vietnamese. Mahigit dalawang taon na rin siyang naninirahan sa Pilipinas.
Iginiit naman ni “Duc” na siya ay biktima lamang sa nangyari at ngayon ay nakakulong na siya sa Pasay City jail habang hinihintay ang proseso ng kaso.