Ang pitong big boss ng JP Dragon Group, isang malaking sindikato sa Japan, ay nahuli ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa iba't ibang ilegal na gawain. Sila ay nadakip sa Bulacan at Maynila nitong Mayo 21.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony M. Viado, sangkot ang grupo sa panlilinlang sa mga senior citizens sa Japan. Karaniwan nilang modus ay magpanggap bilang mga awtoridad para makapangikil ng malaking pera. Nakasuhan sila ng theft at may mga warrant of arrest mula sa Japan.
Nakumpiska din na overstaying alien si Naoto Matsumoto. Nahuli naman sina Hiraki Ishikawa, Tsubasa Amano, Sasaki Ken, Akira Sambonchiku, Rintaro Yamane, at Masato Morihiro na may mga kasong legal sa Japan. Patuloy ang imbestigasyon laban sa grupo na umano’y nananakot at nagnanakaw gamit ang ATM ng mga matatanda.