Ang Disney's Lilo & Stitch, isang live-action remake ng paboritong animated film noong 2002, ay nanalo ulit sa North America box office sa ikalawang linggo. Kumita ito ng $63 milyon sa loob lamang ng isang linggo, at umabot na sa $610 milyon worldwide ang kabuuang kita nito. Tampok sa pelikula sina Maia Kealoha bilang Lilo, at si Chris Sanders bilang boses ng asul na alien na si Stitch.
Pangalawa naman ang pelikula ng Mission: Impossible – The Final Reckoning ni Tom Cruise na kumita ng $27.3 milyon sa Estados Unidos at Canada. Sa kabila nito, malaki pa rin ang gastos ng pelikula na umaabot sa $400 milyon.
Nasa pangatlong pwesto ang bagong pelikula ng Karate Kid: Legends kasama sina Ralph Macchio at Jackie Chan, na kumita ng $21 milyon sa domestic box office. Nasa ikaapat at ikalimang pwesto naman ang mga horror films na Final Destination: Bloodlines at Bring Her Back, na parehong may magandang opening kahit sa mas maliit na budget.