
Ang Department of Health (DOH) ay nagpahayag na hindi epektibo ang face mask laban sa mpox dahil hindi ito airborne. Ayon kay DOH spokesperson Albert Domingo, walang saysay ang face mask kung maghahalik o yayakap ka pa rin, dahil ang virus ay kumakalat sa skin-to-skin o mouth-to-mouth contact.
Mpox ay isang viral infection na nagdudulot ng rashes, lagnat, pananakit ng katawan, at pagkahapo. Kumakalat ito sa malapitang pisikal na ugnayan, tulad ng pakikipaghalikan, pagyakap, o pakikipagtalik. Kahit walang sexual contact, basta’t may skin contact, posibleng mahawa.
DOH ay nagpaalala rin na ang mpox ay hindi sexually transmitted disease, pero delikado pa rin lalo na sa mga may maraming sexual partners. Maaari rin itong makuha mula sa kontaminadong gamit gaya ng kumot, damit, o gamit sa tattoo.
Walang lockdown na ipatutupad kaugnay ng mpox, ayon sa DOH. Bagama’t may pagtaas ng kaso, ito ay mas mababa pa rin kaysa noong 2024. Ang lahat ng kaso sa bansa ay Clade II, ang mas banayad at hindi gaanong nakakahawang uri ng mpox.