
Ang 17 Taiwanese na pinaghahanap sa kanilang bansa ay naaresto ng NBI noong May 15 sa isang subdivision sa Cebu City. Isa sa kanila ay babae. Ayon sa imbestigasyon, matagal nang nagtatago sa lungsod ang grupo habang sangkot umano sa mga scamming activities.
Anim sa mga nahuli ay miyembro umano ng kilalang Four Seas Gang mula sa Taiwan, at may warrant of arrest na sa kanilang bansa. Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad matapos makumpirma na ang isa sa kanila ay lumipad mula Manila papuntang Cebu.
Nabunyag sa operasyon na ang grupo ay sangkot sa tinatawag na “romance scam”. Gumagamit sila ng mga script at pa-sweet na pananalita para makahikayat ng biktima, karaniwan sa online.