
Ang mountaineer na si Philipp “PJ” Santiago II, isang 45-anyos na inhinyero, ay pumanaw habang tinutupad ang pangarap na maakyat ang tuktok ng Mount Everest. Ayon sa ulat, binawian siya ng buhay sa Camp 4, malapit sa tinatawag na “death zone”, noong Mayo 14 habang naghahanda para sa summit push.
Si PJ ang unang banyagang casualty ng Mount Everest ngayong climbing season. Kasama niya sa biyahe ang pamangkin na si Karl Miguel Santiago, na nagsilbing base camp support.
Bago pa ang expedition, sinabi ni PJ na mula pagkabata, pangarap na niyang makita ang "edge" ng mundo at magbalik upang ikuwento ito. “Kami ang mga underdog,” ani niya sa isang video. “Gusto kong bigyang saysay ang passion na ito – bilang patunay ng pananampalataya.”
Bukod sa mountaineering, layunin din ni PJ na magbigay kamalayan para sa malinis na inuming tubig at pagpapagaling sa cancer ng mga bata. “Mas mabigat pa ang laban ng mga batang may cancer kaysa sa pag-akyat sa Everest,” aniya.
Kasalukuyang umaakyat rin sina Jeno Panganiban at Miguel Mapalad, dalawang Pilipino na nagsimula ng kanilang Everest expedition noong araw ding iyon.
tf5oie