Ang halagang P197.2 milyon ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng PDEA sa isang buy-bust operation sa Parañaque City nitong Sabado. Arestado ang dalawang suspek na sina alyas ‘Jalil’ (44 anyos) at ‘Gracia’ (36 anyos), parehong residente ng Cebu City.
Nahuli ang mga suspek pasado alas-5:00 ng hapon sa loob ng isang eksklusibong subdibisyon sa lungsod. Bitbit nila ang 29 aluminum packets na may label na ‘Freeze-dried Durian’ at may nakasulat na Chinese character.
Ayon sa ulat, ang mga packet ay may lamang 29 kilo ng shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P197.2 milyon. Kabilang din sa mga nakumpiska ang mga cellphone, buy-bust money, at iba pang ebidensya.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.