
Ang autopsy ng mga nasawi sa NAIA car crash ay inilabas na ng PNP-Aviation Security Group (AVSEGROUP). Ayon sa resulta, kumpirmadong namatay ang dalawang biktima dahil sa blunt force trauma. Isang biktima, 29-anyos, ay nagtamo ng blunt force trauma sa ulo at spinal cord, habang ang isang menor de edad naman ay nasaktan sa ulo at kaliwang bahagi ng katawan.
Sa unang pagsusuri, napatunayan na ang suspek ay negatibo sa alcohol at droga at wala ring nakitang physical trauma sa kanya. Sa ngayon, nakakulong ang suspek sa Mobile Patrol Security Unit Detention Facility at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries, at damage to property.
Tiniyak ng Aviation Security Group na patuloy nilang ginagawa ang lahat ng hakbang upang makamit ang hustisya para sa mga pamilyang naulila.