Ang dalawang Chinese na sina alyas “Huang” at “Zhao” ay nahuli sa Bacoor City, Cavite nang mabisto sa kanilang sasakyan ang isang baril at daan-daang mga bala. Ayon sa mga awtoridad, tinangkang tumakas ng mga suspek sa isang checkpoint dahil sa paggamit ng pekeng improvised plate number.
Bandang alas-2:00 ng madaling-araw, naharang ang pickup na sinasakyan ng mga suspek sa Daang Hari. Nang magsimulang magtangka ang mga ito na tumakas, napansin ng mga pulis na may itinatagong bagay ang mga ito kaya't sinubukan nilang habulin.
Habang tinutugis, tumakas pa ang mga suspek at muntik pang mabangga ang mga pulis. Nang maabutan sila, nakumpiska sa kanilang sasakyan ang isang baril, mga bala, ilang rifle scope, at pekeng plate number. Kakasuhan sila ng paglabag sa Republic Act 10591 at Omnibus Election Code.